-- Advertisements --

May alok daw ngayon ang Department of Agriculture (DA) na fertilizer vouchers sa mga magsasaka para mataas pa ang kanilang rice production.

Base sa Memorandum Order (MO) No. 65 series of 2022 ng DA, magbibigay daw ang mga ito ng fertilizer vouchers na magagamit ng mga farmer-beneficiaries para sa urea fertilizers nang maibsan ang potential impacts ng under-application ng urea.

Ang memo ay pirmado ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Nag-ugat ang MO No. 65 sa amendment ng implementing guidelines ng fertilizer discount voucher project ng National Rice Program.

“The use of fertilizer vouchers offers an alternative to [poor farmers] to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” base sa MO 65.

Sakop din umano ng proyekto ang beneficiary-farmers sa mga rehiyon ang pagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds maliban sa National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).