-- Advertisements --
egg itlog palengke

Nakatakda na raw magpulong ang Department of Agriculture (DA) at egg producers maging ng mga traders para matugunan ang pagtaas ng presyo ng itlog sa kabila ng sapat na suplay nito.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), mahigpit daw ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban na makipagpulong ito sa mga egg producers at traders para madetermina kung bakit bigalaan ang pagtaas ng presyo ng chicken eggs kahit sapat naman ang suplay nito sa mga merkado.

Kailangan daw makita ang rason sa naging gap sa farmgate at retail prices lalo na’t puspusan ngayon ang pagtatrabaho ng administrasyon para maabot ang target na maging available ang affordable food pora sa bawat pamilyang Pinoy.

Sa ngayon, ang presyo ng medium-sized eggs s Metro Manila ay naglalaro sa P8 hanggang P9 kada piraso.

Pero ayon sa Department of Agriculture, dapat daw ang retail price nito ay naglalaro lamang sa P7 hanggang sa P7.50 ang kada piraso ng presyo nito.

Noong Disyembre, ang presyo ng medium-sized eggs ay nasa P6.90 kada piraso lamang na mas mababa sa kasalukuyang retail price.

Una rito, sinabi ni Philippine Egg Board Association chairperson Gregorio San Diego na ang range ng kasalukuyang retail prices ng itlog ay masyadong mataas.

Sinabi ni San Diego na ang projected volume ng egg production para ngayong taon ay nananatili raw na stable.