-- Advertisements --

Nagpahayag ng saloobin si Senadora Imee Marcos hinggil kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang kaanak nito kaugnay ng mga isyung kinahaharap ng bansa.

Sa isang video post, ipinakita ang apat na placards na may pangalan nina Pangulong Marcos, Cong. Sandro Marcos, Cong. Martin Romualdez, at Liza Marcos. 

Kasabay nito, tinanong ang senadora kung sino sa apat na mga ito ang kinaiinisan niya. 

Ayon kay Senadora Imee, nanghihinayang siya kay Cong. Sandro Marcos dahil “kabata-bata” pa lamang ay nadamay na sa gulong kinahaharap ng bansa.

Ipinahayag din niyang nalulungkot siya para sa kanyang kapatid na si Pangulong Marcos Jr., “36 years namin inasam-asam ito, pinagtrabaho, pinagdasal—nasayang e!,” wika ni Imee.

Samantala, inamin niyang higit pa sa simpleng inis ang kanyang nararamdaman laban sa pinsan niyang si dating House Speaker Martin Romualdez.

Patutsada naman ng senadora sa asawa ni Pangulong Marcos na si Liza Marcos, “E, hindi ko naman kamag-anak ‘yan e, hindi ko naman kaano-ano,” giit ng senadora.