-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mapabilang ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa medical assistance program ng gobyerno.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, maliban sa mga agrarian reform program para sa mga magsasaka, tinitignan din ng kagawaran ang pangangailangan ng mga magsasaka sa buong bansa bilang bahagi ng nine-point priority areas ng Pangulong Bongbong Marcos.

Inihayag din ng DAR Secretary na inirekomenda niya sa Pangulo sa isa sa kaniyang Cabinet meetings ang posibilidad na mapabilang ang mga benepisyaryong magsasaka sa coverage ng Department of Health (DOH) bilang recipients ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program.

Ang naturang programa ay layong makapagbigay ng medical assistance para sa mga pasyenteng nangangailangan magpakonsulta, rehabilitasyon, examination o sa mga pasyenteng naka-confine sa government hospital.

Ayon kay Estrella, karamihan sa mga magsasaka ay umuutang pa ng pera sa tuwing ang miyembro ng kanilang pamilya ay nagkakasakit.

Kayat maliban aniya sa pagbibigay ng solusyon sa problema sa seguridad sa land tenure, agrarian justice delivery at probisyon ng support services ay kanila ding isinasaalang-alang ang iba pang alalahainin ng pinapasan ng mga magsasakang benepisyaryo ng agrarian reform.

Top