-- Advertisements --
image 39

Pinabibilisan na raw ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang inventory ng idle government-owned lands (GOLs) na nasa ilalim ng Executive Order 75 na kinabibilangan ng State Universities at Colleges (SUCs) nationwide.

Ito ay bahagi ng commitment ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na anim na taon.

Ayon kay Estrella, wala umanong moratorium para ipahindi ang pamamahagi ng idle government-owned lands at state universities at colleges.

Sa ngayon, patuloy pa rin daw na ipinoproseso ng DAR ang pag-evaluate sa mahigit 56,000 hectares ng government-owned lands sa buong bansa na covered sa ilalim ng EO 75 series of 2019.

Nasa 26,000 naman daw ang kailangan pang i-validate at target na ipamahagi ng libre sa mga qualified beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Kailangan daw nilang i-evaluate at magsagawa ng inventory sa coverable SUCs at ma-identify kung saang mga area ang nagamit na para sa agri-research.

Ang mga area lamang daw na hindi naman nagamit para sa naturang purpose ang puwede nilang ipamahagi sa mga qualified beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Siniguro rin ni Estrella na ang mga lupaing hindi sakop ng educational purposes ang mapapabilang sa inventory ng mga lupain para sa mga SUCs.

Kaya naman ay nagbigay na raw ang kalihim ng direktiba sa DAR field officials na makipag-ugnayan sa mga SUCs para maisama na sa inventory ang mga lupaing hindi nagagamit para sa educational purposes.

Sa ilalim ng EO 75, ang lahat ng government agencies ay kailangang ma-identify, validate, segregate, transfer at government owned-land para sa agriculture.

Dagdag ni Estrella, sa ilalim ng DAR Administrative Order (AO) No. 03, series of 1997, kabilang sa mga kuwalipikadong mabigyan ng government owned-land ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) beneficiaries, returnees, surrenderers at kaparehong beneficiaries.

Samatala, hinimok naman ni Estrella ang mga kabataan na mag-engage sa farming.

Kasama rin kasi ang mga agricultural graduates na benepisaryo dito sa ilalim ng Administrative Order No. 3, series of 2020.