-- Advertisements --

Opisyal nang nanumpa sa puwesto si Environment Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

Personal na pinanumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Loyzaga sa study room ng Malacanang.

Ang bagong DENR chief ay nagsilbing chairperson ng International Advisory Board (IAB) ng Manila Observatory kung saan siya nagsulong ng maraming scientific research sa climate change at disaster resilience.

Nagsilbi rin siyang executive director ng Manila Observatory at technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.