-- Advertisements --

MANILA – Iniimbestigahan pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung may pananagutan sa batas ang may-ari ng barkong nagtapon ng “wastewater” o dumi sa karagatang sakop ng Manila Bay.

“After the investigation, if the shipowner is found liable, the DENR will impose fines,” ani Environment Sec. Roy Cimatu sa isang statement.

Ayon sa ahensya, maaaring paglabag sa mga batas na: Republic Act 9275 o Philippine Clean Water Act, Marine Pollution Decree of 1976, Philippine Fisheries Code of 1998, at iba pang regulation ng Philippine Ports Authority ang ginawa ng MV Sarangani.

Kung maaalala, napaulat noong nakaraang linggo ang pagtatapon umano ng barko ng wastewater nito sa bahagi ng Manila Bay.

Sa ilalim ng RA 9275, may arawang multa na P10,000 hanggang P200,000, simula sa araw ng pagkaka-discharge ng wastewater hanggang matapos ang paglilinis nito.

Batay sa resulta ng test na ginawa sa samples ng aktwal na tubig, na may halong discharge ng barko, lumabas na 1,700 most probable number per 100 milliliters (MPN/100 mL) ang sukat ng “effluent fecal coliform” nito.

Higit na mataas mula sa standard na 200 MPN/100 mL ng ahensya.

Pagdating naman sa sukat ng “ambient fecal coliform,” nasa 2,400 MPN/100 mL daw ang sukat. Mula ito sa standard na 100 MPN/100 mL.

Habang ang sukat ng diniskargang langis ng barko ay nasa 19-milliligrams per liter. Mataas din mula sa 5-millilgrams per liter.

Papatawan na ng ahensya ng notice of violation ang may-ari ng barko.

“A technical conference will be called to hear their side… After this requirement of the due process, the EMB and the Coast Guard will be filing a case against the shipowner before the Manila Bay Task Force (MBTF),” ani DENR Usec. Jonas Leones.

“After we have completed the process, the MBTF will convene and they will be adjudicating the violations of the shipowner, and hopefully they will be coming up with the appropriate sanctions, penalties, and imposition of fines against the shipowner.”