-- Advertisements --

Mahigpit na nakikipag-ugnayan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga iba’t-ibang may-ari ng mga barko para maiwasan ng maulit pa ang insidente ng oil spill sa karagatan.

Sinabi ni DENR Secretary Antonia Loyzaga, na kamakailan ay nagkaroon na silang pagpupulong ng mga iba’t-ibang shipping industry para matugunan ang iba’t-ibang problema.

Bubuo ang kalihim ng technical working group na tatalakay sa polisiya at pagrepaso sa mga batas ng hindi na maulit pa ang oil spill sa Oriental Mindoro.

Nangako naman ang mga shipping companies na sila ay tutugun sa DENR para hindi magkaroon ng problema sa pagtagas ng langis sa kanilang mga barko.