-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi maaaring mapagbigyan ang mga suhestyon na i-divert na lamang ang pondong nakalaan sa COVID response projects.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda sa panayam ng Bombo Radyo, sila naman ang mananagot sa batas, kung lahat ng mungkahi ay susundin.

Ang hiling umanong gamitin ang pera bilang pambili ng gadgets para sa online class o kaya pambili ng bigas ay hindi maaaring maisakatuparan dahil noon pang 2019 nasimulan ang pagtatambak ng dolomite.

Kung iiwanan ang proyekto nang hindi tapos ay malinaw na paglabag sa batas at lalong malaki ang ipaliliwanag nila dahil may inaprubahang budget dito ang Kongreso para sa taong ito.