Nag-sorry si Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda matapos ang kani-kabilang kritisismong ibinato sa pagbubukas ng white sand beach sa Manila Bay noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Antiporda na hindi sakop ng kanilang mandato na kontrolin ang pagbuhos ng tao sa Manila Bay dahilan kung bakit hindi nila nasunod ang social distancing.
Inamin naman ni Antiporda na hindi nila inaasahan na marami ang makaka-usyoso sa naturang beach nourishment program ng DENR.
Dulot na rin aniya ng mahabang pila ay hindi na maayos na naipatupad ang social distanicng at iba pang umiiral na health protocols.
Matapos ang kontrobersyal na pagbubukas ng nasabing white sand beach ay ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Camilo Cascolan na sibakin sa pwesto si Ermita Police chief PLTCol. Ariel Caramoan.