-- Advertisements --

Gumagawa na ng paraan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para hindi na maulit pa ang nangyaring oil-spill at ilang mga man-made disasters.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na kulang ang kanilang tauhan, teknolohiya at kagamitan sa pagsasagawa ng malalimang pag-aaral kung paano mapigilan ang banta na nasabing trahedya sa kalikasan.

Sakaling may mga insidente na kahalintulad ng nangyaring oil spill ay agad silang nakikipag-ugnayan sa national government.

Umaasa naman ang kalihim na mapansin ito ng national government para mabigyan ang anumang kakulangan nila.