Hindi inasahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pupunta ang maraming tao nang kanilang buksan ulit sa publiko ang Dolomite beach sa Manila Bay noong weekend.
Aminado si DENR Usec. Jonas Leones na hindi nila halos maihiwalay sa isa’t isa ang mga taong lumalabag sa social distancing gayong karamihan sa mga nagpunta ay pawang magkakamag-anak.
Nilinaw naman ni Leones na hindi intensyon ng DENR na itaon ang pagbubukas ulit ng Dolomite beach sa panahon na ibinaba ang alert level status sa Metro Manila.
Sa katunayan, matagal nang naka-plano ang reopening ng Dolomite beach noong weekend gayong ilang bahagi nito ay tapos nang maayos.
Kaya naman simula bukas, magpapatupad ang kagawaran ng ilang protocols sa beach para mapigilan ang mga tao, lalo na ang mga bata, sa pagligo sa Manila bay, gayong hindi pa rin ligtas ito paliguan.