Sinadya umano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na piliin ang bahagyang malalaking particles ng artificial white sand na gagamitin para sa muling pagpapaganda ng Manila Bay.
Sa deliberation ng Committee of Appropriations kahapon ay hindi nakaiwas and DENR sa pangnguna ni Secretary Roy Cimatu mula sa kaliwa’t kanang tanong ng mga mambabatas.
Ayon kay Cimatu, nagsagawa muna sila ng pag-aaral bago bilhin ang buhanginmula sa Alcoy, Cebu. Hindi raw kasi madaling malalanghap ito o magdudulot ng human health problems.
Taliwas ito sa naging pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng magdulot ng eye irritation, problema sa paghinga at gastrointestinal discomfort kung sakali na malanghap o malunok ang nasabing synthetic white sand sa oras na pinoproseso ang paggawa nito.
Ang paglalatag ng Dolomite boulders sa Manila bay ay parte ng beach enhancement program project ng ahensya na aabot sa P389 million pesos.















