-- Advertisements --

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Camp Ricarte Station Hospital sa Puerto Princesa City ang dalawang sundalong Pilipino na nasugatan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Bilang pagkilala sa kanilang katangapan at tapat na paglilingkod sa bansa, ginawaran ng Pangulo ang dalawang sundalo ng Order of Lapu-Lapu.

Bukod dito, pinagkalooban din sila ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P100,000.

Ipinaabot din ng Pangulo ang buong suporta ng gobyerno sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na patuloy na dinidepensahan ang soberaniya at mga karapatan ng bansa.

Matatandaang nagtamo ng sugat ang dalawa kasunod ng marahas na komprontasyon sa pagitan ng Philippine Navy at China Coast Guard personnel malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Lunes, Hulyo 20.

Isa sa mga sundalo ang pinaghahambalos sa ulo ng kahoy na baton at napinsala rin ang military rubber boat ng Pilipinas.