-- Advertisements --
DENR

Binanggit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahahalagang kontribusyon ng mga opisyal ng barangay sa disaster resilience at sustainable development ng bansa.

Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, ang disaster resilience ay walang natural constituency at ang katatagan ng pagtugon ay nakasalalay din sa sa bawat barangay at mga komunidad.

Ang naganap na Barangayan Para sa Kalikasan at Bayang Matatag forum ng DENR ay umaayon din sa paghahanda ng Pilipinas para sa pagho-host ng 2024 Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Oktubre 2024.

Ang mga barangay, ani Loyzaga, ay ang pinakamaliit na administrative unit sa bansa ngunit pinakamahalaga rin sa usapin ng disaster risk reduction.

Sinabi niya na hinahangad ng DENR na magkaroon ng magkabahaging pag-unawa sa panganib at katatagan upang mas maibalangkas ang mga estratehiya, programa, at pamumuhunan nito.

Ang proyekto ay nagpatupad ng mga kasanayan at programa sa environment protection, climate action, at disaster risk reduction sa pamamagitan ng inisyatiba ng DENR na umaakit sa buong lipunan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pag-alis ng kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran, pagtugon sa kalamidad at ang pagpapalakas ng public-private partnerships.