-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga namatay dahil sa dengue sa Negros Occidental simula noong buwan ng Enero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Dr. Elvie Villalobos, pinuno ng infectious diseases cluster ng Department of Health Region 6, sinabi nitong umabot na sa 18 ang patay sa Negros Occidental dahil sa dengue hanggang noong Mayo 25 ngayong taon.
Ayon kay Villalobos, bumaba ang patay sa Bacolod mula sa tatlo sa parehong period noong 2018, ngunit umakyat naman ng lima ang patay sa Negros Occidental.
Batay sa datos ng DOH Region 6, umabot sa 430 ang dengue cases sa Bacolod mula Enero.
Ito ay mas mataas ng 70 porsyento sa 253 cases na naitala sa kaparehas na period noong nakaraang taon.