-- Advertisements --

Dengue cases sa 11 rehiyon sa bansa, lagpas na sa epidemic threshold – DOH

Lumagpas na sa epidemic threshold ang bilang ng dengue cases sa 11 rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kabilang sa mga lugar na lumagpas na sa epidemic threshold ay: CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 12 at BARMM.

Sinabi ng World Health Organization na ang epidemic threshold ay ang critical number o density ng susceptible hosts ng dengue.

Ginagamit din ito para kumpirmahin ang emigence ng isang epidemya upang sa gayon ay makapagsagawa ng wastong control measures.

Noong Martes lang, idineklara ng Department of Health ang national dengue epidemic dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng impeksyon sa bansa sa 146,062 na naitala mula noong Enero hanggang Hulyo 20.