Julian Castro
Julian Castro/ IG post

Umatras na sa pagiging 2020 Democratic presidential aspirant si dating San Antonio mayor Julian Castro.

Itinuturong dahilan ng pag-atras ng 45-anyos na dating US House Secretary ay ang mahinang pagbibigay suporta mula sa kanilang kapartido.

Mas malayo aniya ito sa bilang kumpara kina US Senators Bernie Sanders ng Vermont at Elizabeth Warren ng Massachusetts.

Dahil dito ay mayroon na lamang 14 Democratic candidates ang naglalaban-laban para hamunin si Republican President Donald Trump sa buwan ng Nobyembre.