Pinangunahan ni PNP chief Gen Guillermo Eleazar ang demilitarization o destruction ng nasa 5,000 mga armas na nakumpiska na na-turn over sa iba’t ibang police operations.
Ayon kay Eleazar, mahalaga na sirain at wasakin ang mga armas na hindi na nagagamit para mabawasan na ito sa kanilang inventory.
Kasama ni Eleazar ang kaniyang command group at iba pang opisyal sa pagwasak ng mga nasabing mga armas.
Kasama rin sina Deputy Chief for Administration Lt Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Operations Lt Gen. Ephraim Dickson at ang Deputy Chief for Directorial Staff Lt. Gen. Dionardo Carlos.
Winasak ang mga nasabing armas sa harap ng PNP National Headquarters sa Camp Crame.
“Yes tama ‘yung iba ay mga na-recover natin. Others were turned over, others are issued firearms but beyond economic repair,” pahayag pa ni Eleazar.