-- Advertisements --

ROXAS CITY – Mismo si Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na mangunguna sa demilitarisasyon sa 310 na dating rebelde sa Philippine Army’s 3rd Infantry Division’s (3ID) headquarters sa Camp Peralta, bayan ng Jamindan sa Capiz, bukas, Setyembre 19.

Nabatid na ang naturang mga former rebels ay mula pa sa bayan ng Maasin, Iloilo; Ibajay, Aklan; Tanjay City, Negros Oriental at mga lungsod ng Bago, Cadiz, Kabankalan; at bayan ng Cauayan sa Negros Occidental, na una nang isinuko ang kanilang mga baril noong nakaraang Linggo.

Sa isang press conference sa Camp Delgado, inihayag ni Capt. Cenon Pancito III, Public Affairs Office chief ng 3ID, si Pangulong Duterte ang magbibigay ng basbas sa pagsisimula ng decommissioning process ng mga dating rebelde.

Inihayag nito na hindi bababa sa dalawang buwan na mamamalagi ang mga dating rebelde sa 3ID headquarters upang mag-training.

Matapos ang pagsasanay, magkakaroon ng issued firearms ang mga former rebels bilang mga Special Civilian Active Auxiliary members.

Nabatid na umaabot sa mahigit sa 200 mga baril, assorted explosives at mga bala, ang isinuko ng mga former rebels sa ilalim ng Revolutionary Proletarian Army–Alex Boncayao Brigade na nasa kustodiya na ng mga otoridad.