-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si Demi Lovato na muntikan na itong mamatay matapos ang overdose incident noong 2018.

Inatake kasi ito sa puso at na-stroke kung saan ayon sa doctor niya ay kaniya itong ikakamatay kung hindi naagapan.

Dagdag pa ng 28-anyos na pop star na sinabi ng kaniyang doctor na mayroon pa siyang lima hanggang 10 minuto bago mabuhay.

Nagkaroon aniya ito ng epekto sa kaniyang utak kung saan ay dinaranas pa rin niya ito ngayon.

Magugunitang dinala sa pagamutan ang singer noong July 2018 ng makitang wala ng malay sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Isang uri ng opoids na mayroong halong fentanyl ang kaniyang ininom.

Ang nasabing pagbubunyag ay bahagi sa kaniyang documentary series na “Dancing With The Devil”.