Mas kumunti pa ang mga namimili ng produktong itlog mula sa mga merkado dahilan para bumagsak pa ang demand ng itlog ayon sa isang polutry group.
Paliwanag ni Philippine Egg Board Association chairman Gregorio San Diego na hindi na suplay ang problema ngayon kundi ang demand na.
Pinunto nito na ang itlog ang pinakamurang source na ng protina subalit umaaray pa rin at nagrereklamo sa presyo ang mga tao.
Dagdag pa nito na na kapag walang gaanong paggalaw sa stocks sa merkado, walang choice ang mga nagtitinda ng itlog kundi taasan ang presyo ng mga itlog para makabawi man lang sa nawala nilang kita na nagresulta naman sa mababang farm gate price.
Sa ngayon, ang presyuhan aniya ng medium size na itlog ay bumaba sa P5.50 hanggang P5.70 kada piraso mual sa dating P6.20.
Kayat panawagan nila sa Department of Agriculture na tulungan sila na mapataas ang demand sa itlog.
-- Advertisements --