-- Advertisements --
DR. TROY GEPTE
IMAGE | Dr. Troy Gepte, public health epidemiologist/Screengrab from PTV

Isang public health expert ang nagpaabot ng suporta sa paliwanag ng Department of Health (DOH) hinggil sa delay ng validation at reporting ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa epidemiologist at professor na si Dr. Troy Gepte, nagdudulot din ng sagabal sa reporting ng mga kaso ang “operational issues” sa manual data collection, na dating sistema ng DOH sa pagkalap ng mga datos mula sa pasyente hanggang sa validation ng kagawaran.

“We need to keep in mind na may difference kung kailan namatay at nagka-onset ng symptoms,” ani Dr. Gepte.

“May delays tayo on the testing and reporting so we need to emphasize that we have
different cases as per reporting. Nangyayari na nava-validate yung data at may delay.”

Apela ng eksperto, dapat ikonsidera ang mga ganitong problema sa pagbabasa ng mga numero dahil hindi naman agad nito sinasalamin na may local transmission na agad ng sakit.

Sinabi rin kasi ng Health department na ang mga pagkakamali sa encoding ay factor din sa mabagal na validation.

“There are many factors that may result in delayed validation. These may also be the results of encoding errors. However the DOH continues to exert all efforts to validate our data.”

Una nang sinabi ng DOH na ni-rollout na nila ang COVIDKAYA information system.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, magiging automated na ang pangongolekta ng mga datos mula sa mga ospital at laboratoryo.

Tiwala ang DOH na bumubuti na ang sitwasyon ng Piliinas dahil lumalabas na mas marami ang late cases kumpara sa naire-report na fresh cases.

“Maganda ang mga indikasyon ng mga numero, at sinasabi lamang nito na basta lahat tayo
tulong-tulong, magbubunga ang ating mga paghihirap, pananatili sa bahay, at pagtitiyaga,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.