CENTRAL MINDANAO- Nagkasundo ang dalawang armadong grupo sa Maguindanao na tapusin na ang dekada nilang awayan sa lupa.
Ito mismo ang kinumpirma ni South Upi Maguindanao Mayor Reynalbert Insular.
Umaabot sa mahigit 200 ektaryang lupa ang pinag-agawan ng mga armadong Moro at tribong Teduray sa Sitio Bahar, Fomogoyon at Popo sa Barangay Pandan at hangganan ng Brgy Pilar sa bayan ng South Upi.
Agad gumawa ng kongretong hakbang si Mayor Insular,katuwang ang militar,pulisya,mga ahensya ng gobyerno at ilang lider sa probinsya para mapag-ayos ang mga naglalabang grupo.
Matatandaan na ilang beses na sumiklab ang matinding bakbakan ng magkaaway na grupo na kumitil na ng maraming buhay,mga sugatan at daan-daang pamilya ang lumikas.
Nagtipon ang dalawang grupo sa inisyatibo ni Mayor Insular at lumagda ng kasunduang pangkapayapaan.
Dagdag ng alkalde na ang pinagtatalunang lupain ay na-survey na at nakatyakdang ipamahagi sa totoong nagmamay-ari.
Sumaksi sa reconciliation program ang mga opisyal ng South Upi LGU, PNP, AFP, GPH-MILF CCCH representatives, MIPA BARMM, MAFAR BARMM, MENRE BARMM, mga stakeholder at Tri-Media.