-- Advertisements --

Namemeligrong malalaglag sa nalalapit na NBA playoffs ang defending champion na Los Angeles Lakes matapos malasap na naman ang panibagong pagkatalo sa karibal na Los Angeles Clippers, 118-94.

Dahil sa naturang talo nalaglag tuloy sa No. 6 spot sa Western Conference ang Lakers.

Habang ang Clippers naman ay napatibay ang kanilang puwesto sa No. 3.

Sa nakalipas na huling limang laro, apat na beses nang natalo ang Lakers.

Nagpadagdag pa sa kamalasan ng Lakers ang hindi pa rin paglalaro ng NBA superstar na si LeBron James dahil sa injury.

Ayon naman kay Anthony Davis, hindi siya nababahala sa kanilang kalagayan pero kung malusog lamang daw sana ang lahat ng players, sila pa rin ang top team sa NBA.