-- Advertisements --

Hawak na ng defending champion na Boston Celtics ang 2-0 lead laban sa Orlando Magic.

Nagawa ng Boston na talunin ang Magic sa Game 2 at iposte ang 9-point lead sa pagtatapos ng laban, 109 – 100.

Pinangunahan ni 2024 Finals MVP Jaylen Brown ang Boston at kumamada ng 36 points habang 20 points at sampung rebounds naman ang ambag ng sentrong si Kristaps Porzingis.

Naipanalo ng Boston ang naturang laban sa kabila ng hindi paglalaro ng 2-way player na si Jayson Tatum dahil sa minor wrist injury.

Hindi umubra ang overtime performance ng Magic dou na sina Franz Wagner at Paolo Banchero na kapwa gumugol ng mahigit 40 points sa hardcourt.

Nagbulsa si Banchero ng 32 points at siyam na rebounds habang 25 points naman ang ipinoste ni Wagner.

Sa 1st half ng laban, nahirapan ang defending champion na makalayo sa Magic at tanging 3 points lamang ang naiposteng kalamangan pagpasok ng break. Nailayo na lamang ng Boston ang lamang pagpasok ng 3rd quarter at pinaabot ito sa sampung puntos, 81 – 71.

Pinilit ng Magic na bumangon sa huling quarter at labis na ibinabad dito sina Wagner at Banchero ngunit kinapos pa rin ang comeback performance ng koponan.

Sa overall shooting, lamang ang Magic matapos mapanatili ang 47% kumpara sa 45% ng Boston.

Gayonpaman, dinumina ng defending champion ang 3-point area at free throw line, habang pinuwersang umagaw ng 46 rebounds sa kabuuan ng laban, kumpara sa 34 rebounds na nagawa ng Magic.

Gaganapin sa homecourt ng Orlando ang susunod na dalawang game sa naturang matchup.