-- Advertisements --
image 101

Inanunsyo ng PCG na isang mangingisda sa Morong, Bataan ang nakarekober ng mga metal debris na may markang Chinese sa paligid ng tubig sa kanilang coastal municipality.

Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang mga debris ay kahawig ng isang bahagi ng isang Chinese automated cargo spacecraft.

Ito ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng PCG station sa Limay, Bataan.

Kung matatandaan, naglunsad ang China ng Long March 7 rocket na lulan ng Tianzhou-4 spacecraft mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan province noong Mayo.

Nauna nang sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) na binabantayan nila ang mga nahulog na hindi pa nasusunog na debris mula sa rocket na maaaring lumapag sa loob ng tatlong tinukoy na drop zone area na humigit-kumulang 65 hanggang 79 kilometro ang layo mula sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

Gayunpaman, ayon sa PhilSA, ang mga nabanggit na debris ay maaaring lumutang sa paligid ng lugar o sa mga kalapit na baybayin na posibleng binagsakan nito.