Napilitang bumalik sa Denver International Airport ang United Airlines flight matapos na dumanas ng problema sa makina.

Matapos kasi ang halos 20 minuto ng lumipad ang United Flight 328 ay nagkaroon ito ng problema.

Nahulog pa angi lang debris ng eroplano sa soccer fields at mga kabahayan sa Denver.

Ayon sa Federal Aviation Administration na patungo sana sa Honolulu ang eroplano ng magkaroon ito ng engine failure.

Wala namang naitalang nasugatan sa mga pasahero at maging sa mga lugar kung saan bumagsak ang mga debris.

-- Advertisement --

Mayroong 241 na katao na lulan ang eroplano kabilang ang 10 crew members.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board sa nangyaring insidente.