Patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay sa pagpapatuloy ng digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Hamas health ministry, pumalo na sa 4,137 na mga indibdiwal sa Gaza strip ang iniwang patay ng nasabing kaguluhan.
Mula sa naturang bilang ay sinasabing 16 ang nasawi sa compound ng Greek Orthodox church of Saint Porphyrius sa Gaza City.
Bukod dito ay nakapagtala rin ang mga kinauukulan ng 13,162 katao na sugatan nang dahil sa mga pag-atake ng Israel sa naturang lugar.
Kaugnay nito ay mayroon na ring 500 katao sa Gaza City ang kasalukuyang sumisilong ngayn sa mga simbahan doon, kabilang na ang limang miyembro ng Caritas staff kasama ang kanilang mga pamilya.
Kung maaalala, nagsimula ang digmaan sa Gaza matapos atakihin ng militanteng grupong Hamas ang katimugang Israel noong Oktubre 7 na kumitil sa buhay ng libo-libong katao na karamihan ay pawang mga sibilyan.