-- Advertisements --

BEIJING, China – Umakyat sa 29 ang bilang ng mga nasawi, habang 22 iba pa ang nawawala sa nangyaring landslide sa southwest China.

Ayon sa news agency na Xinhua, simula Sabado ng gabi 40 katao na ang na-rescue mula sa site sa Shuicheng county, Guizhou province.

Magugunitang tinabunan ng makapal na putik ang 21 bahay sa naturang lugar noong Martes.

Kabilang sa mga namatay ay alawang bata at isang nanay na may kasamang sanggol.

Batay sa ulat ng Xinhua, isang local school ang ginawang emergency medical at rescue center ngayong patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad.

Naglaan na ang gobyerno ng 30 milion yuan para sa search and rescue efforts sa probinsya, gayundin sa relocation ng mga biktima.