Naniniwala umano si Sen. Manny Pacquiao na death penatly ang mas mabilis at mas epektibong pamamaraan upang maibigay ang hustisya na kinakailangan ng mga biktima sa karumal-dumal na pagpatay sa bansa.
Ayon kay Pacquiao, ang mga mamamatay tao tulad ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca, na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac, ay maaaring makatakas sa kanilang krimen dahil mahina ang mga umiiral na batas sa Pilipinas.
Alam daw kasi ng mga kriminal at mga utak kriminal na makukulong lamang sila kapag gumawa sila ng karumal-dumal na krimen.
Saad pa ng senador, kailangan bigyan ulit ng pagkakataon ang death penalty dahil ito na lang daw ang kulang upang maging mabilis at epektibo ang pagbibigay ng hustisya sa mga indibidwal na biktima ng heinous crimes.
Ganito rin ang naging pananaw ni Sen. Bato Dela Rosa.
Subalit ilang progresibong grupo sa House of Representatives ang hindi sang-ayon sa muling pagbuhay ng capital punishment. Hindi raw kasi imposible na maging biktima nito ang mga mahihirap at walang kapangyarihan sa lipunan.