Ipinaabot ng US pop star na si Beyonce ang pagkabilib nito sa mga kabataang mag-aaral sa kanilang bansa na nakapagtapos sa kabila ng iba’t ibang krisis na dinadanas doon.

Sa speech ng 38-year-old “If I Were A Boy” singer, tinukoy nito ang patungkol sa global crisis at racial pandemic.

“You have arrived here in the middle of a global crisis, a racial pandemic and worldwide expression of outrage at the senseless killing of yet another unarmed black human being. And you still made it. We’re so proud of you,” bahagi ng pahayag nito.

Isa si Beyonce sa A-listers na inimbitahang makiisa sa global virtual commencement ceremony “Dear Class of 2020” sa pamamagitan ng YouTube.