-- Advertisements --
image 392

Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapalawig ng deadline para sa pagpaparehistro ng SIM cards.

Ayon kay DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo, magiging basehan kung itutuloy ang extension ng deadline sa SIM card registration ang bilang ng registrants.

Sa ngayon patuloy pa rin ang pag-monitor ng ahensiya sa nadaragdag na mga nagpapatala ng kanilang SIM card na kasalukuyang nasa 27.12% na o katumbas ng 45.8 million mula sa 169 million active SIM cards sa buong bansa.

Sinabi din ni Lamentillo na nakikipag-ugnayan ang DICT sa mga barangay official para tumulong na pabilisin ang registration process at hinihikayat ang mobile phone service subscribers para maparehistro ang kanilang SIM cards.

Sa ilalim kasi ng implementing rules and regulations (IRR) ng SIM card registration law, maaaring palawigin ng DICt ang deadline ng hanggang 120 araw.