Kumpiyansa si dating senadora Leila De Lima na mauuwe sa acquittal o dismissal ang nalalabing drug case na kanyang kinakaharap.
Ito ang ipinahayag ng dating senadora ilang araw matapos na pagbigyan ng korte ang kanilang inihaing bail petition.
Paliwanag ni De Lima, ito ay sa kadahilanang mahina ang mag ebidensya ipinupukol laban sa kaniya, kung saan maging ang mga testimonya rin aniya sa kaniyang kaso ay walang kredibilidad.
Bukod dito ay sinabi rin ni De Lima na kung pagbabatayan din ang naging desisyon ng hukom pahinggil sa kaniyang bail petition ay magkakaroon din dapat ito ng sariling konklusypn na i-dismiss o i-acquit ang kaniyang kaso.
Kung maaalala, una nang sinabi ni dating Malakanyang Palace spokesperson Harry Roque, na inaasahan na niya ang posibilidad ng pagkaka-dismis ng huling kaso ni De Lima.