-- Advertisements --
Natuklasan ng Department of Agriculture (DA) ang mga substandard at “ghost” farm-to-market roads sa Davao Occidental at Zamboanga del Norte batay sa kanilang audit.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ilan sa mga proyektong ito ay iniulat na tapos na noong 2021 hanggang 2022 sa ilalim ng implementasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ngunit hindi makita o kaya’y hindi magamit dahil sa mababang kalidad.
Giit ng kalihim na i-uulat niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga natuklasan, at nagpapatuloy ang masusing audit para matiyak na hindi nasasayang ang pondo ng bayan.
Tiniyak din niya na pananagutin ang mga sangkot sa anomalya.