-- Advertisements --

Nanguna ang De La Salle University- Manila na may mataas na bilang na pumasa sa Civil Engineering Licensure examinations.

Sa kabuang 109 na kumuha ng pagsusulit sa nasabing unibersidad ay mayroong 97 ang pumasa o 88.99% habang pumangalawa ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na sa 92 na kumuha ng pagsusulit ay mayroong 75 ang pumasa o 81.52 percent.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) na mayroong 5,887 ang pumasa sa 16,936 na mga kumuha ng pagsusulit.

Ginanap ang pagsusulit sa nitong buwan ng Abril National Capital Region, Baguio City, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao , Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga,Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Kapwa nakuha nina Garret Wilkenson Ching Sia ng De La Salle University-Manila at Alexis Castillo Alegado ng Mariano Marcos State University sa BAtac ang unang unang puwesto na mayroong 92.10 percent.

Pumangalawa naman sina Reden Christian Tandoc Mercado ng Saint Louis University at Melvin Balcita Ancheta ng Pangasinan State University sa Urdaneta City, Pangasinan na mayroong 90.45 percent.

Gaganapin naman sa Hunyo 13-16, Hunyo 19-23 at Hunyo 26-30 ang registration para sa mga issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration na gagawin online.