-- Advertisements --
image 289

Plano ng Department of Budget and Management(DBM) na magsagawa ng review sa mga livelihood program ng Gobierno.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, ito ay bahagi ng kanilang kabuuang plano na i-rationalize ang lahat ng livelihoon programs sa buong bansa.

Katwiran ng kalihim, una nilang napansin na hiwa-hiwalay ang maraming mga livelihood program ng pamahalaan, at wala ding centralized implementation dito.

Ang nasabing plano aniya ay sisimulan na ngayongtaon at posibleng pagsapit ng 2025 ay isasailalim na lamang sa iisang sistema ang pagpapatupad ng mga nasabing proyekto.

Hindi rin mawawala aniya ang planong ibibigay lamang ito sa mga tunay na nangangailangan ng tulong.

Sa kasalukuyan, ilan sa mga malalaking proyekto ng pamahalaan na naglalaan ng livelihood at iba pang social intervention para sa mga mahihirap na pamilya ay ang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged Workers(TUPAD), 4Ps, at iba pang mga pangunaking programa.