Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P900 million na pondo sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Layunin nito na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa na matiyak ang kanilang kabuhayan at maipagpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari dala ng climate change.
Saklaw ang naturang halga sa P4.5 billion na appropriation sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act na inaasahang sasakop sa buong halaga ng crop insurance premiums ng mahigit 2.292 million targeted farmers.
Una na ngang tiniyak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magsasaka na papaigtingin pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng suporta para matiyak ang tuluy-tuloy na ani, dahil ang bawat butil aniya na itinatanim ay nakakaambag sa matatag at maunlad na hinaharap.