Inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang nasa Php1.295-billion ang Special Allotment Release Order para sa Department of Education.
Layunin na tugunan ang funding requirements para sa electrification ng mga un-energized schools, gayundin ang modernisasyon ng mga electrical systems sa mga paaralan sa buong bansa.
Sa isang statement sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang pondong ito ay magbibigay ng learning environment para sa mga mag-aaral sa buong bansa.
Aniya, ang pamumuhunan ng pamahalaan sa education ay nangangahulugan din ng pamumuhunan sa mga pasilidad na kinakailangan ng mga estudyante sa bansa.
Ito aniya ay malaking tulong para sa mas komportable pang pag-aaral ng mga estudyante at maging ng mga guro sa kanilang mga silid-aralan.
Samantala, ang naturang pondo naman ipamamahagi sa ibat-ibang rehiyon sa bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.