-- Advertisements --
Naglabas na ng P82.5 million na pondo ang Deparment of Budget and Management (DBM) para sa pagsawata ng pagkalat ng African swine fever (ASF) sa bansa.
Ayon sa DBM na ang pondo ay ibinigay sa Bureau of Animal Industry (BAI) sa kautusan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa nasabing halaga, P31.8 million dito ay ilalaan para sa maintenance ng security measures at international airports partikular na ang pag-detect ng mga karne at meat product habang P27.7 million naman ay para sa testing ng mga samples of meat and meat products.
Ang natitirang P17.6 million naman ay gagamitin para sa surveillance and monitoring activities at P5.4 million para sa conduct of awareness campaigns and capacity building initiatives.