-- Advertisements --

Nagsagawa nang paghihigpit ang Department of Budget Management (DBM) para sa posibleng pagpondo sa supplemental budget para sa subsidies ng mga pamilya na apektado ng lockdown.

Sinabi ni DBM Secretary Wendel Avisado, mahalaga ang paghahanap ng sources of funding sa mga lugar na kasalukuyang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Dagdag pa nito, prayoridad nila ngayon ang paghahanap ng domestic sources ng pagpondo na maaaring gamitin sa pandemic response at malimitahan ang pangungutang.

Patuloy din silang naghahanap ng mga sapat ng pondo para matulungan ang pagpondo ng Bayanihan 3 law.

Pagtitiyak naman nito na hindi magagalaw ang mga pondo na inilaan sa iba’t ibang government agencies para sa kanilang proyekto.