-- Advertisements --

Nakakasira sa imahe ng Pilipinas bilang destinasyon ng mga mamumuhunan at turista ang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pagkuha ng assassin.

Ito ang inihayag ni House impeachment adviser at spokesperson Robert “Ace” Barbers.

Ayon kay Barbers, ikinagulat niya ang pahayag ng Bise Presidente lalo na’t ito rin ang usapin sa kanyang impeachment trial kaugnay ng alegasyon ng grave threats. 

Aniya, maaaring magdulot ito ng negatibong impresyon sa international community tungkol sa peace and order sa bansa.

Dagdag ni Barbers, dapat maging “ambassador of goodwill” ang mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na ang mga opisyal ng pamahalaan, upang maipakita ang magandang imahe ng bansa.

Hinimok naman ni Prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., ang publiko na ituon ang pansin sa mga ebidensiya at testimonya sa impeachment trial sa halip na sa mga pahayag na aniya’y nakakaagaw ng atensyon.