-- Advertisements --

Pinayuhan ni Northern Samar 1st District Representative at Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang Commission on Higher Education (CHED) na gamitin sa tama ang pondo para sa mga mahihirap na estudyante.

Partikular na tinukoy ng mambabatas ang P10 billion Higher Education Development Fund (HDEF) na ginamit na dati para sa scholarships ng mga estuyante sa tertiary level.

Una ng inihayag ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideya ng HEDF bilang isang scholarship fund.

Ipinunto ni Daza na nasa mahigit P2 billion HEDF nuong 2016 ay ginamit para sa student-related support gaya ng pagbibigay ng tulong,incentives, scholarships, at mga grants sa pamamagitan ng Student Financial Assistance Programs.

Sabi ni Daza ibig sabihin nito na mayruon ng precedent para HEDF ng CHED para sa mga mahihirap na estudyante.

Inihayag ni Daza na ng mag-assume bilang CHED Chairman si De Vera nuong 2019, bumaba ang student assistance sa P170 million.

” Proving his point further, “I looked into the law that established travel tax and affirmed his statement that The Tourism Act of 2019’s (Republic Act No. 9593) revenue mandate did not exclusively cater to only students under tourism-related courses, but prioritize them meaning the rest of the funds can also be allocated to the scholarships of other students,” paliwanag ni Daza.

Patuloy namang tinatalakay ng house panel ang deliberasyon nito sa House Resolution No. 767, na iniakda ni Rep. Daza, na naglalayong pahusayin ang access sa tertiary education habang binabawasan ang dropout rate sa mahihirap na estudyanteng Pilipino.

Iminimungkahi din ni Daza na mag tap pa ng maraming sources na mapagkuhanan ng pondo para scholarship ng mga mahihirap na estudyante lalo at bumagsak ang bilang ng enrollment sa private at public schools.

“Pag ang puso po natin andyan, talagang gusto po natin tulungan yung mga mahihirap, pwedeng gamitin ng CHED yung P10 billion today without having to wait for the next GAA (General Appropriations Act) budget deliberation,” wika ni Rep. Daza.

Sabi ni Daza hawak ng CHED ang listahan ng 1 million students na pwede makinabang sa nasabing pondo para sa kanilang scholarship.