Nagpasya na rin si Davao City Rep. Isidro Ungab na sumailalim sa self-quarantine.

Ito ay matapos na magtungo sila ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Senado kahapon, Marso 11, 2020, para sa kanilang kumpirmasyon sa Commission on Appointments (CA) bilang Army reservists.

Ayon kay Ungab, nakaharap nila si Sen. Sherwin Gatchalian, na na-expose naman sa isang resource person na nagpositibo sa COVID-19.

Habang naka self-quarantine, sinabi ni Ungab na tuloy pa rin ang pagganap niya sa kanyang tungkulin bilang isang mambabatas.