Nagtestify under oath si dating US President Donald Trump sa isang civil case na nag-aakusa ng business fraud laban sa kaniya at kaniyang tatlong mga anak.
Ito ay matapos ang makasaysayang arraignment ni Trump sa bukod na kasong criminal charges na kaniyang kinakaharap sa Manhattan.
Dahil dito ay nahaharap siya ngayon sa iba’t-ibang mga imbestigasyon na posible namang makaapekto sa kaniyang hangarin na muling tumakbo sa pagkapangulo sa Estados Unidos sa susunod na halalan.
Kung maalala, nitong Martes ay una nan itinanggi ni Trump ang 34 counts ng felony na may kaugnayan sa hush money na ibinayad sa porn star na si Stormy Daniels noong bago ang isinagawang halalan noong taong 2016 na nagdala umano sa kanya ng pagkapanalo.
Dahil sa kasong ito ay binatikos ng marami si Trump, kabilang na ang congressional leadersna humiling sa abogado ng distrito ng Manhattan na si Alvin Bragg, isang Democrat, na tumestigo tungkol sa pagsisiyasat sa harap ng Kongreso.