Nagpositibo sa Covid-19 ang dating pangulo ng US na si Bill Clinto na kung saan ang kanyang mga sintomas ay “mild” lamang at hindi umano ganun kalala kaya naman mas hinikayat niya ang mga tao na magpabakuna laban sa patuloy na kumakalat na mga virus.
Ito ang pinakabagong pananakot sa kalusugan para sa 76 years old na former US President, na panandaliang naospital noong nakaraang taon at sumailalim sa ilang operasyon mula noong taong 2004.
Kung maaalala, noong Oktubre 2021, si Clinton ay gumugol ng limang gabi sa isang ospital sa California para sa impeksyon sa dugo, bago mag-akbay sa kanyang asawa na dating kalihim ng estado na si Hillary Clinton.
Kaya naman, mahigpit niyang hinihimok ang mga tao na panatilihin pa rin sa isipan na patuloy pa din ang pagkalat ng COVID-19 virus saan mang sulok ng mundo at panatilihin pa umano na nasa maayos na kalusugan ang mga pangangatawan ng mamamayan.
Sa ngayon, ang dating Pangulo ng Estados Unidos ay kasalukuyang nasa Chappaqua, New York.