-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang pinakahuling democratically elected prime minister ng Sudan na si Sadiq al-Mahdi dahil sa COVID-19 sa edad 84.

Ayon sa pamilya nalagutan na ito ng hininga habang nasa United Arab Emirates para magpagamot matapos na magpositibo sa nasabing virus.

Pinangunahan niya ang Sudan bilang prime minister ng dalawang beses.

Una ay noong 1960 at pangalawa ay noong 1986 hanggang ito ay makudeta.

Isa si Al-Mahdi na bumatikos kay US President Donald Trump ng ianunsiyo nito na nagkaayos na ang Sudan at Israel.

Aabot na kasi sa 16,649 ang kaso ng coronavirus na mayroong 1,210 ang nasawi sa nasabing bansa.