Itinalaga ni Pang. Rodrigo Duterte si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief retired Gen. Dionisio Santiago bilang bagong Dangerous Drugs Board chief.

Si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang nagkumpirma sa appointment ni Santiago na itinalaga nuong Miyerkules ng pangulo.

Si Santiago na dati ring chief of staff ng AFP ay papalitan ni Benjamin Reyes na inalis sa pwesto nuong buwan ng Mayo dahil sa pag presenta ng bilang na taliwas sa istatistika ng pamahalaan kaugnay sa illegal drug users.