-- Advertisements --

Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis.

Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis.

Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009.

Labis na nalungkot si Aces coach Jeff Cariaso dahil sa pagkawala ni Young na naging import ng koponan mula 2004 at 2004 habang sa Beermen naman ay noong 2007.

Nagsimulang maglaro si Young sa University of North Carolina at Charlotte sa college at na-draft sa second round ng Milwaukee Bucks noong 1999 subalit hindi ito nakapaglaro sa NBA.