-- Advertisements --
Facebook Dating Screenshots
IMAGE | Facebook

Patok ngayon sa mga netizens ang bagong feature ng social media site na Facebook kung saan maaari kang makipag-date.

Kabilang ang Pilipinas sa 19 bansa na nilatagan ng Facebook ng dating feature.

Sa ilalim nito, pwedeng makihalubilo ang isang user sa mga kapwa single.

Ayon kay Charmain Hung, techincal program manager ng Facebook Dating, napansin ng kanilang hanay na nasa 200-milyong indibidwal ang nag-identify sa kanilang mga sarili bilang single nang mag-register sa social media.

Bukod dito, nabatid din daw nila maraming Pilipino ang tumatangkilik sa iba’t-ibang dating applications.

“We know that not everyone who is single wants to date and not everyone who wants to date, wants to date online. So we do think this is a really incredible opportunity to help people,” ayon kay Hung.

Paliwanag ng opisyal, natatangi ang Facebook Dating mula sa ibang dating apps.

Nakakasiguro rin daw na hindi makakalusot ang mga pekeng accounts.

“We are really focused on meaningful relationships. I think that’s what we really want to use this product for. We’ve taken out the games, the swiping, we really want you to be open to making new relationships.”

“Online dating is really scary for some people because you get a lot of scams, fake profiles, catfishing, all of this stuff make online dating have a really bad reputation.”